Gretchen tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga problemadong netizens

GRETCHEN BARRETTO

SUCCESSFUL ang Holy Week gift-giving effort ni Gretchen Barretto kasama ang sosi friends niyang sina Mimi Que and Patty Pineda.

On her Instagram account, La Greta posted the names of the winners as follows: “@itsmorasalcedo, @imeedearest @perfumes_foryou, @iamjadejade13, @pinkizh21, @aineali, @eunicegasa12005, @dangmaulingan @wen_dy03, @hareloves and @annaweatareyes.

“Winners from my @mimiyque were @joyish21, @bachuchayko77, @enna_hoko_notdyoko and @lyn_billeran. One winner from @pattympineda was @sarahguevarradeguzman.”

Marami ang hindi napili but La Greta said that hindi pa tapos ang kanilang gift-giving, “We will continue to read your requests & announce when we will go on live. For all those requests that were not granted, kindly be patient, we will read carefully over & over. Till then. Kindly post requests on this wall.”

q q q

Viral na sa social media ang modelong kamukha ni Liza Soberano.
Just saw the photo of Liza’s look-alike at talaga namang malaki ang kanilang pagkakahawig. Medyo may

kapayatan lang ang model who was featured in the Berta Fashion House, a modelling agency based in New York City.

In an Instagram photo posted by a website, the female model was wearing a sexy evening wear. Ang daming nagkagusto sa look-alike ng bida ng Bagani.

Incidentally, sa Bagani ay napatili ang beauty ni Ganda (Liza) nang ilaglag siya ni Lakas (Enrique Gil) mula sa sinasakyang higanteng ibon. Ang lakas ng tili ni Ganda pero sinamahan siya sa ere ni Lakas.

Sabay din silang muling sumakay sa higanteng ibon. Ipinakilala ni Lakas si Ganda sa kanyang mga katribo pagbalik nila sa lupa.

q q q

Nagdusa talaga si Mona (Jodi Sta. Maria) sa pagpapanggap bilang si Lisa sa Sana Dalawa Ang Puso.
Sa charity ball kasi ay hirap na hirap siyang sakyan si Martin (Richard Yap). Muntik-muntikan pa siyang mabuking dahil hindi niya na-perfect ang nuances ni Lisa.

At one point, while they were dancing, naramdaman ni Martin na hindi na marunong magsayaw si Lisa. Nagpalusot naman ang dalaga at sinabing wala lang siya sa mood.

Nag-sorry rin si Lisa kay Martin kaya nagulat ang huli. Alam kasi niyang hindi kailanman mahilig mag-sorry si Lisa.

Samantala, nagkita na mulia ang character ni Lisa at Leo Tabayoyong (Robin Padilla). May meeting sana si Lisa sa head ng syndicate sa isang bar kung saan nandoon din si Leo pero dahil nasagwaan sa mga eksena sa bar ay nagpasyang umuwi na lang si Lisa.

Read more...