NAKAKATUWA ang pagiging adventurous ng Kapuso child actress na si Sofia Pablo.
Bukod kasi sa husay niyang umarte sa GMA Telebabad series na Sherlock Jr. bilang kapatid ni Ruru Madrid, busy din siya sa kanyang mga hobbies na mas mabibigyan daw niya ng panahon ngayong summer.
Isa na nga rito ay ang pagsu-swimming wearing a mermaid’s tail. Kinabiliban siya dahil kahit sa ilalim ng tubig, tila nang-aakit ang natural na ganda niya at kahit alam naman daw ng lahat na mahirap ito, tila effortless lang para sa kanya ang lumangoy bilang sirena.
Ayon sa ilang netizens, pwedeng-pwede na raw ang bagets na maging Dyesebel, bukod sa husay nitong lumangoy at sumisid, swak na swak din ang inosenteng mukha ng bata sa karakter ng batang Dyesebel.
Malay natin, magkaroon ng bagong mermaid series ang GMA at siya ang kuning bida rito, di ba?
Anyway, keep up the good work, Sofia!