SALUDO kay Mikee Quintos ang kapitbahay niya sa Balic-Balic, Sampaloc, dahil sa halip na magbakasyon sa beach nu’ng Mahal na Araw eh, prumusisyon siya nu’ng Biyernes Santo at Easter Dawn mass nu’ng madaling-araw ng Linggo.
Sa tuwing Holy Week, ang imahe ng Birheng Maria na pag-aari ng Quintos family ang ipinuprusisyon tuwing Biyernes Santo at Salubong Mass. Bata pa lang si Mikee ay nakagisnan na niya ang tradisyon at panata ng pamilya tuwing Holy Week.
Sinamantala naman ng kanyang kapitbahay ang presence ni Mikee sa prusisyon upang makapag-selfie sa kanya. Gayundin kay former Manila Vice Mayor na si Isko Moreno, kasama ang father ni Mikee na si Konsehal Wardee Quintos at mother na si Joan na dati ring konsehala ng Maynila.
Ibinalita sa amin ng Kapuso young actress na gaganap siyang apo ni Nora Aunor sa upcoming GMA series.
Masusubukan naman ang galing niya sa drama matapos ang kikay roles sa Encantadia at sa matatapos na ring fantaserye na Sirkus.
Bilang preparasyon sa bagong role, nagpaikli ng buhok si Mikee na ipinost ang bagong look sa kanyang IG. May “crying scene” pa nga siya sa IG stories habang pinuputol ang kanyang long hair.