Bwelta ni Zsa Zsa sa kulubot photo: Proud to be old and 53!

ZSA ZSA PADILLA

SINUPALPAL ni Zsa Zsa Padilla ang isang basher who gave a nasty comment on her photo sa Instagram.

The singer was in Japan during Holy Week and she shared a photo. Ikinuwento ni Zsa Zsa na kasama niya ang kanyang daughter na si Karylle when she tried to curl her hair. Sa kasamaang palad, medyo nasunog ang kanyang balat.

“May maganda akong na achieve na hairstyle pero nasunog ko naman pisngi Ko. Ang galing! Grabe…grabe gusto pa din kita,” was Zsa Zsa’s caption sa photo.

May isang basher ang nagmaganda and said, “Kita na, edad mo po pati po sa kamay kulubot na.”
Zsa Zsa gave the basher a witty reply.

“Oo naman! Proud to be old and 53. No shame in that,” she said.

“Natural lang yan, ano palagay nyo bata pa sya. Tatanda din kayo. Tingnan nyo rin mga kamay nyo pag kasing edad nyo si Zsa Zsa.”

“Natural lang maging kulubot lahat tau kukulubot ang skin natin pag tanda anung problema dun. Kung magpatetoke sia may pera nman wag nega.”

“Basher pasalamat ka if maabutan mo pa ang pagkulubot ng balat mo.”

“Ampalaya is kulubot basher, baka sa sobrang pagka bitter mo kumulubot ka ng di oras.”

“Basher(s) of Miss Zsa Zsa Padilla please mind your own business and life and get out of fb and do some real work, like house chores or community work. So you can be a positive example in the community you live in.”

Read more...