Isabelle Daza nanganak na: It’s a baby boy…hindi girl!

ISABELLE DAZA

NANGANAK na ang actress-model na si Isabelle Daza. Pero bago niya ni-reveal ang gender ng panganay na anak nila ni Adrien Seblat ay naging pahulaan muna ito sa kanyang mga social media followers.

Sa kanyang Instagram post kahapon, pinahulaan muna ni Isabelle kung boy or girl ang kanyang first baby. Kasabay nito ang pagpo-post niya ng litrato ng pink balloons kaya naman ang hula ng marami ay baby girl.

Ngunit makalipas ang ilang sandali ay sinabi niyang lalaki ang kanyang ipinanganak, “Just kidding it’s a boy! Happy April Fools!”

Read more...