Maricel balik-Regal, may bonggang pelikula sa Mother’s Day

MARICEL SORIANO

SWAK na swak sa Mother’s Day ang Regal movie na “My 2 Mommies.” Tuwang-tuwa ang mga nakapanood ng teaser nitong inilabas sa social media nitong nagdaang Holy Week.

Magsisilbing comeback movie rin ang pelikula ng Diamond Star na si Maricel Soriano at homecoming sa Regal. Lalabas siyang tiyahin ng isa sa bida na si Paolo Ballesteros. Makakabangga naman niya sa pagandahan at pakikayan si Solenn Heussaff.

Mula ito sa direksyon ni Eric Quizon na isa naman sa mga BFF ni Maricel sa showbiz.

Read more...