Sancho nag-propose sa Singapore; ikakasal na sa December


ENGAGED na si Sancho Vito, panganay na anak ni Ai Ai delas Alas, sa kanyang girlfriend na si Shanna Reuya.

Naganap ang engagement sa Singapore at sa December ang kasal ng dalawa ayon sa Instagram post ng Comedy Queen nitong nakaraang mga araw.

“Congrats baby boy and nene @sanchovito @shannaretuya… may the good LORD shower you with more more blessings and children to come…#proposalsasingapore #ikakasalnasadec,” caption ni Ai Ai sa IG foto ng engagement ng anak sa SG.

Saad naman ni Sancho sa kanyang IG account, “From this day forward you should not walk alone. My Heart will be your shelter and my arms will be your home. I love you shanning #engaged #HappyEaster.

“Feeling ecstatic just imagining I’m spending the rest of my life with my soulmate. I love you sanchovito!!!!” ang post naman ni Shanna sa IG.

Bumati sa dalawa ang stepfather niyang si Gerald Sibayan na tinatawag na “kumpadre” ni Sancho.

Read more...