Kris napilitang magbilad sa araw dahil sa utos ng mga doktor sa US

KRIS AQUINO

KAILANGANG maging masunurin si Kris Aquino sa mga habilin ng kanyang doktor para maiwasan ang stress. Unang-una, huwag daw muna siyang magpo-post sa social media para makapag-rest.

Sinunod naman ito ni Kris, sa katunayan, hanggang pag-uwi niya ng Pilipinas bago mag-Semana Santa ay wala kaming nakitang bagong post niya sa Instagram, Facebook at iba pang social media accounts. Nitong Easter Sunday lang siya nag-post para bumati ng Happy Easter sa lahat ng followers niya.

Binanggit din niya ang kanyang one-on-one interview sa Filipino beauty vlogger na si Patrick Starr na in-upload sa kanyang Facebook nitong nakaraang Linggo ng gabi.

Kahapon naman ng tanghali ay ibinalita ni Kris na gumising siya ng maaga para magpaaraw dahil kailangan niya ng vitamin D base pa rin sa payo ng kanyang doktor.

Post ni Kris sa kanyang IG, “My journey to wellness started this morning. Did our research about the importance of vitamin D (most important is that it boosts immunity, helps the body absorb calcium, supports cardiovascular health, and helps lungs function properly).

“Best way to get it is directly from the sun from UVB rays not UVA- and they have to be at least at a 50 degree angle- no benefit when the sun isn’t completely all over you & also bad to overdo it by staying out too long.

“You can Google this through the US Naval Observatory Website & we just typed in Quezon City in Form B for the optimum time. 20 minutes, 9:25 AM earlier today, sitting in the fully exposed area of my balcony & I got my vitamin sunshine. I’ve been afraid of sun exposure & sun damage to my skin that I overlooked its health benefits. Now i’m learning.”

Oo nga ‘no bossing Ervin, kailangan talagang magpaaraw para tumibay ang mga buto-buto natin at para makaiwas na rin sa ibat ibang mga sakit.

Anyway, as of this writing ay hindi pa nagbibigay ng update si Kris kung kailan siya magsisimulang mag-shoot para sa pelikula niya sa iflix na ididirek ni Adolf Alix Jr.

Wala pa ring development tungkol sa gagawin daw niyang pelikula under Star Cinema.

Read more...