Deployment ban sa Kuwait mananatili-Palasyo

SINABI ng Palasyo na mananatili ang ipinapatupad na deployment ban sa Kuwait sa kabila ng desisyon ng isang Kuwaiti court matapos patawan ng parusang kamatayan ang mga employer ng pinatay na Pinay na si Joanna Demafelis.
Sa isang briefing, sinabi ni Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na ikinatuwa ni Pangulong Duterte ang hatol laban sa mag-asawang Lebanese at Syrian national.
“Well of course the President and I suppose, the entire Filipino people will be happy to know that is true ‘no. Siyempre that’s what we want – justice for Demafelis,” sabi ni Guevarra.

Matatandaang natagpuan sa isang freezer si Demafelis matapos namang patayin ng kanyang mag-asawang employer.

The total ban on sending OFWs to Kuwait is still on. But of course an agreement, a memorandum of understanding is being formulated and hopefully the parties will—the state parties will come to terms as to how our OFWs in Kuwait as well as in other Middle Eastern countries will be protected. So, basically that will be a solution to this ban, this total ban about sending OFWs to Kuwait,” ayon pa kay Gueverra.

Sakaling maging pinal, nakatakdang bitayin sa pamamagitan ng pagbigti ang mag-asawang Lebanese at Syrian.

Read more...