SINABI ng Palasyo na kumpiyansa ang Malacanang na maidedepensa ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang kanyang sarili matapos namang sampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkakalat ng fake news.
Sa isang briefing, ipinagtanggol ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra sa pagsasabing hindi siya naniniwalang sa akusasyon laban kay Uson.
“Of course not,” sabi ni Guevarra nang tanungin kung naniniwala siyang nagkakalat ng fake news si Uson.
Inamin naman ni Guevarra na hindi niya nababasa ang lahat ng ipinopost ni Uson sa kanyang blog.
“Well, I really don’t have—to tell you frankly hindi ko naman binabasa iyong lahat noong mga nasa blog ‘no. I don’t really have much time to go over all of this things but she has consistently denied it ‘no. So, I take her word for it, as a fellow worker I take her word for it,” ayon pa kay Guevarra.
Inihain ng Akbayan Youth ang kaso laban kay Uson.
“Well I’m sure Asec. Mocha will be able to defend herself. Mayroon namang mga processes to follow and to observe and she’ll be given her fair chance ‘no to be able to explain,” giit ni Guevarra.