NAGHAIN ng reklamo ang Akbayan Youth laban kay Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pagpapakalat umano nito ng fake news.
Sa inihaing reklamo sa Ombudsman, hiniling ng grupo ang pagtanggal sa puwesto o pagsibak sa serbisyo kay Uson dahil ang mga ginawa umano niya ay grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the best interest of public service.
“The online and public persona of public official Uson is the source of numerous and deliberate misinformation, this is contrary to the mandate of the PCOO to ensure transparency and full and appropriate disclosure of policies, programs, official activities and achievements of the Office the President and the Executive Branch which are public concern and to inform and communicate the same to the Filipino people,” saad ng inihaing reklamo.
Sinabi ni Shahmah Bulangis, co-convenor ng Youth Resist na bahagi ng Akbayan Youth, na “hindi tanga ang mga Pinoy. Wala na silang maloloko sa kanilang mapang-abusong panloloko. Kailangan na siyang matanggal sa pwesto.”
Naniniwala ang Akbayan na nasasayang ang buwis ng bayan na ipinapampasuweldo kay Uson.
Tinukoy sa reklamo ang post ni Uson kung saan nito sinabi na ang Mayon Volcano ay nasa Naga at ang ipinalas niyang larawan ng Honduran military forces na pinalabas umano niyang mga sundalo ng Armed Forces ng Pilipinas.
Gayundin ang pagsasabi ni Uson na mayroong off-shore bank account si Sen. Antonio Trillanes at ang pagtawag na “bobo” kay Vice President Leni Robredo.
Tinukoy rin sa reklamo ang Facebook post ni Uson noong Nobyembre 18, 2016 kaugnay ng pag-required umano sa mga estudyante ng St. Scholastica College na dumalo sa rally.
“This is unreasonable and unfair act of Uson of posting false accusations against the school without verifying the accuracy of the information—led to cyber bullying attacks directed against students of St. Scholastica’s College.”