May tattoo papasukin sa PNP, AFP

 Ipinaaalis ng isang lider ng Kamara de Representantes ang sinaunang polisiya ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine na nagbabawal sa pagpasok ng mga recruit na may tattoo.
    Ayon kay House committee on appropriations chairman Karlo Nograles hindi katulad dati ang mga tao ay nagpapa-tattoo na kahit hindi nakulong.
    “For our military and police organizations to bar the entry of capable and well-meaning Filipinos in their ranks on the basis of tattoos is quite archaic, if only because tattoos are no longer taboo in this day and age. Thus, we call for the removal of this ban,” ani Nograles.
    Hindi pinapapasok sa AFP at PNP at maging sa Coast Guard ang mga mayroong tattoo dahil ikinokonsidera itong “physical defects” kaya dinidiskuwalipika ang aplikante na meron nito.
    “I know a lot of people who have been declined application into the service on the basis of their having tattoos. They said that it felt unfair to be rejected and I can’t help but agree with them,” ani Nograles.
    Iginiit ni Nograles na hindi ang tattoo ang sukatan ng kakayanan ng isang tao.
    “What’s important is for the applicant to be physically fit, with good moral character and no criminal record,” ani Nograles. “If the applicant meets these requirements then he or she should not be denied the right to serve the country.”
    Dagdag pa ni Nograles noon ay Ipinagtanggol ang bansa ng mga mandirigma ng mga tribu na mayroong mga tattoo. “This is because tattoos have been a part of the country’s rich culture even before the arrival of the Spaniards in the 16th century.”
    Ang mga lumaban sa Espanyol ay tinawag na pintados dahil sa kanilang mga tattoo.

Read more...