Ipinalabas ng korte ang desisyon matapos ang unang pagdinig sa kaso ni Demafelis, ang 29-anyos na kasambahay na natagpuan sa loob ng isang freezer sa Kuwait sa simula ng taon.
Maaaring ipela ng mag-asawa ang desisyon, sakaling bumalik sila sa Kuwait, ayon sa source ng AFP na tumanggi nang magpabanggit ng pangalan.
Matapos ang pagkamatay ni Demafelis, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang deployment ban sa Kuwait.
Naaresto ang mag-asawang Lebanese-Syrian noong Pebrero sa Damascus, Syria matapos ang isinagawang paghahanap ng Interpol.
Isinuko ng mga otoridad mula sa Syria sa mga otoridad ng Lebanon ang lalaki na si Nader Essam Assaf, samantalang nananatiling nasa kustodiya ng Damascus ang misis na Syrian.
Bibitayin ang mag-asawa sa pamamagitan ng pagbitin.