MMK ni Charo 25 taon nang nagpapaiyak sa mga Pinoy
SA loob ng 25 taon, patuloy pa rin na nagbibigay ispirasyon ang bawat kwentong isinasadula ng longest running drama anthology sa Asya, ang Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.
Katulad na lang nitong nakaraang Sabado (Marso 24) kung saan lubos na pinag-usapan sa social media ang kwento ni Norman King (ginampanan ni Zaijian Jaranilla), ang kauna-unahang Aeta na nakapagtapos sa UP. Umani ito ng libo-libong tweets at papuri mula sa netizens.
Ayon kay Twitter user @imnathaliehart, naantig siya sa episode at naniniwala siya na dapat talaga magtulungan tayong mga Pilipino.
Para naman kay @warcus11, tama ang ginagawa ng MMK na ipinakilala nito ang kultura ng mga Aeta maging ang diskriminasyon na nararanasan nila dahil sa kanilan kulay.
Balewala naman kay @mards_ ang issue ng “black face” dahil mas pinagtuunan niya umano ng pansin ang mismong kwento ng mga Aeta na bihira lang maipalabas sa telebisyon.
Bukod sa pagiging trending topic sa social media, patuloy pa ring humahataw ang programa sa ratings game tuwing Sabado. Kagaya nitong nakaraang episode kung saan nakapagtala ang MMK ng national TV rating na 31.8%, mula sa pinagsamang urban at rural homes, ayon sa datos mula sa Kantar Media.
Patuloy na subaybayan ang nakakaiyak at inspiring na mga kuwento ng MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.