TULOY pa rin ang pagtulong ni Robin Padilla sa mga taga-Marawi.
Sa kanyang Instagram post ay ito ang sabi ng bida ng Sana Dalawa Ang Puso: “Sa ngalan ng nag iisang Panginoong Maylikha ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Purihin ang nag iisang Dios nating lahat.
“Mga mahal kong kapanalig sa Tindig Marawi naibigay na po natin ang 5 million pesos kalahati sa 10 million pesos PLEDGE ng KASAMAKA community builders na pinamumunuan ni G. Lito Villanueva para sa Al Hasanah Halal Islamic microfinance project for selected IDPs (Internally Displaced Persons) sa Marawi City.
“Ibibigay po ang donasyon na ito sa Mindanao State University-Institute of Peace and Development in Mindanao sa pamumuno ng executive director ginoong Acram Latiph.”
Ang daming humanga sa walang humpay na pagtulong ni Robin sa mga taga-Marawi.
“You’re a really awesome Man. The people really love you all. The Moslems, the Christians the whole Philippines.”
“Mabuhay ka at ang mga kasamahan mo. Ingatan kayo ng DIOS at paramihin ang mga tulad ninyo. Pagpapala at pag iingat ay sumainyo.”
Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso nina Robin, Jodi Sta. Maria and Richard Yap, tuluyan nang napasok ni Leo Tabayoyong (Robin) ang isang sindikato. Napahanga pa niya ang syndicate leader nang sagipin niya ito sa isang guy na maglalason sana sa kanya.