Horoscope, April 02, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan sa pamomolitika ang araw na ito may malaking halaga kang maibubulsa. Sa pag-ibig tuloy ang pakikipagrelasyon sa isang dominanteng Sagittarius. Mapalad ang 1, 8, 18, 27, 36 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pulkasa-Om.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Maging maingat sa bawat desisyong ipapatupad. Sa panahong ito ng tag-araw na wala sa lugar na pagpapasya malaking halaga ang mawawala. Sa pag-ibig, ngayon tag-init iwasang manaig ang imoral na relasyon upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 3, 17, 27, 38, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Pink at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansiyal, unti-unti ng umaangat ang aspetong pang-pinansyal, subalit pagdating ng Mayo lalo pang darating ang magagandang kapalaran. Sa pag-ibig sa isang Virgo mararamdaman ang isang nakakikilig na relasyon. Mapalad ang 6, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Hindi makukuha sa puro kuwento ang suwerte. Nga-yong summer iwasang makipag-tsismisan, kailangan ang pagkilos upang umunlad. Sa pag-ibig, init na init na ang kasuyo, yayain siyang mag-swimming. Mapalad ang 5, 14, 26, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Visnu-Om.” Gold at orange ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Panahon na upang lumaban! Ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprayoridad hindi ang kaligayahan ng iba. Sa pag-ibig, hindi dapat sundin ang mga maling pinapagawa ng kasuyo. Mapalad ang 2, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Om.” Pink at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Upang suwertehin tiyaking ang pintuan ng inyong bahay ay nakaharap sa silangan. Sa ganyang paraan, mabilis na papasok ang pera at sa pag-ibig, maligayang pagmamahalan ang mananahan sa tahanan. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Mapalad ka sa silver na alahas, ito ang aakit ng suwerte at dagdag na buenas. Sa pag-ibig, susuwertehin ka sa isang matabang babae na medyo pandak. Kung ikaw ay babae, susuwertehin ka sa isang matangkad na lalaking payat. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 37, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Artam-Om.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—May babala ng karamdaman. Magpahinga muna sa lugar na malapit sa nature at doon makinig ng paboritong musika upang umaliwalas ang pakiramdam. Habang nagsa-sound trip, isa-isang magbabalik sa ala-ala ang masasayang nakaraan. Mapalad ang 6, 18, 27, 30, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Om.” Bukod sa red ang pink ay buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, tuparin ang ipinangako sa minamahal – mag-swimming kayo sa isang lugar na malapit sa dagat. Iwasang magpabago-bago ng pasya upang wag masira ang kontrata. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ang tinitibok ng puso ang sa iyo ay magpapaligaya. Maghanap ng taong mabait na may pinag-aralan, siya ang mahalin mo. Sa sandaling ang puso ay nagmamahal, kusang maaakit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Joviyo-Om.” Violet at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Singilin ng mahigpit ang mga taong sa iyo ay may pagkakautang. Sa pag-ibig at pinansyal, hindi mo ba alam, habang nagsusungit ka, lalo kang gumaganda at lalo kang umuunlad? Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 39 at 489. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mayena–Om.” Orange at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Tanggalin ang galit sa puso! Hindi makakapagdagdag ng suwerte ang lihim na sama ng loob. Sa pag-ibig, kung sino pa ang iyong kinaiinisan, siya pa ang unti-unting mapapamahal sa iyo. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Param-Prana-Prisada-Om.” Green at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kulang ka sa libido! Lagyan ng libog ang anomang ginagawa. Lagya ng lambing ang pag-aalok ng kalakal. Sa pag-ibig, landiin ang minamahal upang tulad ng panahon ng tag-araw muling mag-iinit ang inyong relasyon. Mapalad ang 7, 16, 34, 39, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Janan-Om.” Green at maroon ang buenas.

Read more...