Mga kalansay, bomba natagpuan sa Marawi City

SINABI ng militar na natagpuan ang mga kalansay at hindi sumabog na mga bomba sa Marami City  matapos namang ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at teroristang grupong Maute na umabot ng limang buwan simula nang magsimula noong Mayo 23, 2017.
Sinabi ni Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Ranao na simula ng ideklara ang kalayaan sa Marawi noong Oktubre, 2017, walong kalansay ang narekober ng mga sundalo.
Pinayagan namang makabisita ang mga residente sa tinaguriang ground zero sa Marawi City
Idinagdag ni Brawner na nakarekober din ang mga sundalo ng mga hindi sumabog na ordnance at bomba, na nagsisilbing banta sa mga bumabalik na mga residente sa ilalim ng  Task Force Bangon Marawi’s Kambisita program.
Tinatayang  7,000 mga nawalan ng tirahan ang nakatakdang bumisita ngayong araw sa kani-kanilang bahay sa loob ng  sector 1, na matatagpuann sa barangay Tolali.

Read more...