SPEAKING of Liza Soberano and Enrique Gil, trending ang sweet photo ng dalawang bida ng Bagani sa Instagram.
Si Liza mismo ang nag-post ng nasabing litrato kung saan makikitang magkayakap sila ni Enrique. Sa photo pa lang ay feel na feel mo na ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Kilig na kilig siyempre ang kanilang mga fans lalo na sa birthday message ng dalaga sa kanyang ka-loveteam. Quen just turned 26 last March 30.
Narito ang kabuuan ng birthday greeting ni Liza sa kanyang rumored boyfriend.
“Happy Birthday to my monkey (heart emoticon), I thank God everyday that our paths met. I wish you remain God fearing, family oriented, and that your smile never fades no matter what obstacles may come up against you.
“Know that you are loved by your fans, your friends, your family and me! Teehee (heart emoticon),” sey pa ni Liza.