Sarah, Matteo super enjoy sa Holy Week vacay, ‘nag-concert’ sa Palawan

 


TRENDING din ang mga pasabog ng showbiz couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nitong nakaraang Holy Week. Nakasama ng Pop Princess ang family ng kanyang BF sa Palawan.

Bentang-benta sa mga netizens at sa Popsters ang mga duet nina Sarah at Matteo habang nagba-bonding sa isang resort sa Palawan. Kalat na kalat na ngayon sa social media ang mga video kung saan kinakanta ng magdyowa ang “Bakit Ngayon Ka Lang,” “Forevermore,” “The Prayer” at “Kailangan Kita.”

Ang tanong lang ng mga netizens, kasama kaya ni Sarah ang kanyang pamilya sa Palawan trip nila ni Matteo? Hindi pa raw kasi nila nakikita na ang binata naman ang nakikipag-bonding sa pamilya Geronimo.

Read more...