Angel, Neil ‘Lovers in Sagada’, pampa-good vibes sa Holy Week


SINAGAD ng tinawag na “Sagada lovers” na sina Angel Locsin at movie producer Neil Arce ang pagbabakasyon nitong Mahal na Araw.

“Always better together,” caption ni Gel sa Instagram picture nila ni Neil na kuha sa tuktok ng bundok habang tanaw ang mga ulap.

Good vibes ang hatid ni Angel sa pictures na nakalagay sa kanyang IG nitong Holy Week. By land man ang naging biyahe nila papunta sa Sagada, enjoy naman daw siya sa transpo dahil bukod sa kanyang BF ay kasama rin niya ang ilang kaibigan.

 

Read more...