Young actress bulag, pipi at bingi sa walang kwentang BF na aktor


ISANG araw, reaksiyon ng aming source, ay mauuntog din sa katotohanan at magigising na lang ang isang young actress na sumusuko na pala siya sa pagmamahal sa kanyang karelasyong young actor.

Sa ngayon ay sobrang lulong pa sa pagmamahal sa young actor ang young actress, bulag, pipi at bingi pa siya ngayon sa payo ng kanyang mga kaibigan, pero one day ay siya na mismo ang susuko.

Kuwento ng aming source, “Unfair ang pakikipagrelasyon niya sa young actor na ‘yun! Para kasing siya lang ang nagmamahal, pero ‘yung lalaki, e, deadma lang!

“Sa ngayon, e, kaya pa niyang tanggapin ang lahat ng mga nangyayari, pero isang araw, e, siya na mismo ang susuko! Mapapatunayan niya kasi na hindi naman pala talaga siya mahal nu’ng guy!

“May mga ulterior motives lang ang lalaki kung bakit kunwari, e, ipinakikita nu’n sa kanya na mahalaga siya. Kitang-kita naman!” simulang kuwento ng aming impormante.

Ang mahalaga lang kuno sa young actor ay ang kanilang tambalan, wala kasi itong pupuntahan kundi kangkungan, kapag nagkahiwalay sila ng young actress.

“Matalino rin ang lalaking ‘yun, e! Kailangan niyang makisayaw sa tugtog para maisalba ang career niya. Saan nga naman kasi siya mapupunta kapag nabuwag na ang loveteam nila?

“Ang girl, e, siguradong makaka-survive, puwede siyang ipareha sa iba, puwede pa ngang i-package sa mga sexy projects ang babaeng ‘yun, e!

Pero ang lalaki, ano ang mangyayari sa career niya? Pasayaw-sayaw, pa-cute-cute lang siya, ano ang milagrong magaganap sa buhay niya?

“Halatado naman kasi na second priority lang para sa kanya ang girl, hindi lang siya ipinapahiya ng girlfriend niya, pero nakakaramdam na ngayon ‘yun na mas mahalaga pa ang mga barkada ng guy kesa sa kanya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ano ba ang favorite color n’yo? White, blue or red?” pagtatapos ng aming source.

 

Read more...