Para sa may kaarawan ngayon: Unang araw ngayon ng Abril. Magiging maganda ang buong buwan kung magsusuot ng damit na kulay dilaw. Sa nasabing kulay, susuwertehin ka sa materyal na bagay at sa pag-ibig. Mapalad ang 4, 19, 28, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.”
Aries – (Marso 21-April 19) — Sariling pagpapasya ang dapat upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, wag asahan ang kasuyong walang pangarap sa halip ikaw ang dapat na magsikap. Mapalad ang 6, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Aum.” Pink at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Huwag mainngit sa mga taong sobrang yaman. Mas masarap at mas payapa ang isip ng may simple pero masayang pamilya. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Manu-Om.” Silver at pink ang buenas
Gemini – (May 21-June 21) — Iwasang mangutang, sapagkat mas mainam pa rin ang simpleng pamumuhay ng wala luho sa katawan, kaysa naman dahil sa kayabangan ay tadtad ng utang ang buong pamilya. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Purana-Om.” Green at brown ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ito ang araw na may darating na malaking pagkakakitaan, wala kang dapat gawin kundi, sunggaban agad! Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang uminit ang nanlalamig na kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas
Leo – (July 23 – August 22) — Ngayon na ang panahon upang magpakasipag. Ibigay ang the best sa anomang ginagawa. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang utang mahal ka pa rin niya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — May malaking halaga ng salapi na mahahawakan! Ngayong panahong summer isagawa na ang naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, sa tulong ng isang Capricorn mas madali kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Artam-Om.” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa panahong itong aaraw-uulan, lalong gaganda ang pasok ng pera, laging alalahaning mag-tipid at mag-ipon. Sa pag-ibig, isang katabi mong naka-kulay puti, ang may lihim sa iyong pagnanasa – mag-ingat. Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Green at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy mo lang ang dating lakas ng loob na iyong pinaiiral, malapit na malapit mo ng maabot ang lahat ng iyong mga pangarap. Sa pag-ibig, tama ang sistema inyong sinusunod, kung saan, ikaw ang laging nagmamando at ang kasuyo naman ay sunod lang ng sunod. Sa sistemang iyan kayo uunlad at lalo pang yayaman. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ayena-Patrena-Om.” Gold at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Malabong magtatagumpay sa sandaling kung ano-ano ang laman ng isipan. Konsentrasyon ang dapat upang yumaman. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong madali mong nauutusan at napasusunod. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Kirata-Om.” Green at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ang pagiging maunawain ang susi ng tagumpay. Unawain lagi ang mga kausap. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkaka-galit. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Grehan-Om.” Red at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang pagkukulang hindi ka nya iniiwan. Ngayong panahon ng akala mo’y uulan na umaaraw, kusang darami ang pera, tanggap lang ng tanggap. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi masamang magpakabait, pero masamang magpauto! May babala na isa na namang nagbabait-baitang kaibigan ang paghtatanggaan kang utuin. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo na iwasan ng mangutang upang mas madaling umunlad ang inyong pamumuhay. Mapalad ang 6, 15, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Blue at silver ang buenas.