Jones Bridge, misteryosong camera iimbestigahan ni Atom


SA unang episode ng The Atom Araullo Specials ngayong Linggo, samahan si Atom Araullo sa kaila-ilaliman para mas maintindihan ang mga isyung kinakaharap ng lipunan.

Sa pusod ng Maynila, meron pa lang nakatira sa ilalim ng makasaysayang Jones Bridge. Dito nakilala ni Atom ang inang si Billa, na ang ilalim ng Jones Bridge ang nagsilbing kanlungan sa magulong lungsod.

Para mas maintindihan ang pinagdadaanan ni Billa at ng kanyang pamilya, sasamahan ni Atom sila ni Billa sa pangangalakal ng basura at makikitira rin si Atom sa ilalim ng tulay.

Samantala, sa mga probinsya, sa kuweba ang nagiging takbuhan ng ilan sa panahon ng kalamidad at trahedya. Pero sa Samar, malaking panghatak na ngayon sa kanilang turismo ang mga underground cave. Lakas loob na bababa si Atom sa Lobo Cave para makita ang tinatago raw nitong yaman.

Mag-iisang taon mula nang sumiklab ang digmaan sa Marawi, pupuntahan ni Atom ang mga natuklasan ng mga military na mga fox hole at tunnel na pinagtaguan ng mga rebeldeng Maute kasama ang kanilang mga bihag.

Tandang-tanda pa ng bihag na si Norhida kung paanong sa ilalim ng mga fox hole na ito, ilang buwan silang nakipagsapalaran para mabuhay.

Pero sa gitna ng giyera, may natagpuan ang grupo ni Atom na isang abandonadong camera. Ano ang laman ng kamera na gagamitin daw ng mga militar na ebidensya?

Samahan si 2018 New York Festivals Finalist at 2018 Guild of Educators, Mentors and Students Awards Best TV Program Host Atom Araullo sa isang makabuluhang pagtalakay at paglalakbay – The Atom Araullo Specials, ngayong Linggo, 4:30 p.m. sa GMA.

Read more...