HINDI talaga matatawaran ang husay ng buong cast ng Kambal, Karibal pagdating sa paghahatid ng matinding mga emosyon sa mga viewers.
Mapaiyakan, tawanan, kilig o galit man—name it! Siguradong mabibigyan nila ito ng hustisya. Kaya naman umarangkada na naman ang primetime soap sa TV ratings dahil tutok na tutok ang buong sambayanan sa mga eksena ng ating mga bida.
In fact, isa nga sa usap-usapan ngayon ang pagkokontrabidang ginagawa ni Marvin Agustin bilang si Raymond na siyang gumaganti sa pag-iwan sa kanya ng asawang si Geraldine (Carmina Villaroel).
Bilib na bilib ang mga manonood sa kanya dahil kahit raw intense na ang mga eksena, lumalabas pa rin ang pagiging kwela nito habang umaarte. Pang-Hollywood daw ang atake ng aktor sa Kambal, Karibal.
Sa pagkidnap niya kasi kina Crisan at Crisel at pananakit sa mga ito, bentang-benta ang kanang mga dialogue. Patunay lang na iba rin ang husay niya sa pag-arte.
Sa mga comments nga ng netizens, pinuri nila ang pagiging natural actor ni Marvin. Pero sa itinatakbo ng istorya, makatakas pa kaya ang kambal? Patuloy na tumutok sa painit pang painit na mga eksena sa Kambal, Karibal sa GMA Telebabad after Sherlock Jr.