8 Pinoy movies na inakala mong banal…

NGAYONG walang pasok dahil  Semana Santa, masarap maglagi na lang sa bahay. Panonood ng mga Holy Week specials o di kaya pelikula ang kadalasang ginagawa ng mga “staycationer.”

Siyempre nagkalat ang mga pelikula o palabas na may konek sa Mahal na Araw para sa mga nais magpakabanal. Pero parang may mga kakaiba sa title ng mga pelikula at seryeng nakuha namin…

Sa Pagitan ng Langit (2005)

Starring Rika Madrid, Raja Montero, Clark Concepcion at Shanghai

Isang sheltered na probinsyano. Isang gwapong mayamang taga Maynila. Isang amang tutol sa kanilang pag-iibigan. Isa ba itong happy ending?

Kristo (2017)

Starring Angela Cortez, Julio Diaz and Kristoffer King

Award winning ang pelikulang ito na tungkol sa…sabungan? Isang hard-hitting drama tungkol sa pamilya, honor, buhay at kabuhayan.

Patay na Si Hesus (2016)

Starring Jaclyn Jose, Chai Fonacier, Vincent Viado, Melde Montañez

Oo, alam na nating ginugunita natin ang pagkamatay ni Hesus, pero iba palang Hesus ang tinutukoy sa comedy-indie film na ito na talaga rin namang pinag-usapan noong nakaraang taon dahil sa husay ng mga nagsiganap.

Ika-6 na Utos (2016-2018)

Starring Sunshine Cruz, Ryza Cenon at Gabby Conception

Hindi ito movie kundi isang high-rating TV series. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. Yan ang ikaanim na utos. Pero dinala ng palabas na ito kung saan-saan ang mga viewers. Labanan ng original wife at kabit na nauuwi sa matinding drama at minsan ay mga nakaatawang eksena gaya ng ngudnguran sa copying machine.

Cain at Abel (1982)

Starring Christopher de Leon, Philip Salvador at Mona Lisa

Paano kung nabuhay sina Cain at Abel sa Pilipinas? Dahil sinisisi ng kanilang ina ang nakatatandang naka na si Loren sa pagkamatay ng kanyang asawa kaya ibinuhos nito ang atensyon sa nakababatang anak na si Ellis, dahilan para maghiwalay ang damdamin ng dalawa sa isa’t isa.

Banal (2008)

Starring (Christopher de Leon, Paolo Contis at Alfred Vargas

Dalawang alagad ng batas na magkaiba ang ugali, ang isa ay tapat na pulis at ang isa naman ay bayaran at maruming parak na tinatrabaho ang utos ng mga corrupt na opisyal. Magiging magkaibigan ang dalawa dahil sa SWAT training pero magkakabaliktad ang personalidad nila dahil sa iba’t ibang pangyayaring makakaapekto sa kanilang buhay. Pero isang threat sa pagbisita ng Santo Papa ang muling magtatagpo sa kanila.

Halik Sa Pisngi Ng Langit (1986)

Starring Lala Montelibano, Ronaldo Valdez, Greggy Liwag

Hindi man halata, pero hot na hot ang pelikulang ito na mas lalo pang pinainit ng sikat na sexy star noong 80s na si Lala Montelibano, ang siyang bumibida sa kuwento.

Ang Huling Birhen Sa Lupa (2003)

Starring Ara Mina, Jay Manalo and Maui Taylor

Isang pari at isang dating madre na ginampanan ng Viva Hot Babe na si Maui Taylor. Idagdag pa ang kaseksihan ni Ara Mina? Hmmm!

Agua Bendita (2010)

Starring Andi Eigennman, Matteo Guidicelli

Milagro o maligno? Isang serye sa telebisyon ang patungkol sa kambal na sina Agua at Bendita. May kakaibang anyo si Agua, na sanhi ng isang sumpa dahil sa ginawang pagnanakaw ng kanilang ama.

Kakampi Ko Ang Diyos (1990)

Starring Ronnie Rickets and Mariz

Isang action film about good versus evil.

Read more...