Ate Guy Kapuso pa rin, ididirek ni Gina Alajar sa bagong teleserye

NORA AUNOR

BALIK-KAPUSO ang Superstar na si Nora Aunor. Magiging bahagi siya ng bagong series ng GMA Network na nagkaroon na ng story conference last Tuesday.

Ito’y ididirek ng premyado ring aktres na si Gina Alajar. Ang Kapuso mga teen star na makakasama nila sa programang ito ay sina Mikee Quintos at Klea Pineda, ang lead actor sa food chain commercial na si Enrico Cuenca, Adrian Alandy (dating Luis Alandy) Gardo Versoza at ang nagbabalik-Kapuso ring si Wendell Ramos.

Matagal-tagal na rin ‘yung huling series ng Superstar sa GMA. Huli naman siyang napanood sa Eat Bulaga Lenten drama na “A Daughter’s Love” kasama si Ryzza Mae Dizon.

Read more...