Jovit Baldivino naloka sa kumalat na sex video

JOVIT BALDIVINO

HINDI man diretsong sinabi ng biriterong singer na si Jovit Baldivino, naniniwala ang kanyang followers na ang bagong post niya sa social media ay patungkol sa diumano’y sex video niya.

“Kaloka, sari-sari na lumalabas na balitang ewan ko ba, kung sino ka mang may galit sa akin mabuhay ka pa din, ang galing mo!! Sana pagpalain ka pa, God bless,” sey ni Jovit.

Mapapanood sa 18-second video ang isang lalaking nagpapa-cute at labas-dila. Bumaba ang camera ng video sa maselang bahagi ng katawan ng lalaki at pinaligaya ang kanyang sarili.

Magkakaiba ang naging reaction ng netizens sa kumalat na video, pero karamihan sa nabasa namin ay nandiri sa napanood nila.

Read more...