Inaasahan namang mababawasan ito sa susunod na buwan sa harap ng sunod-sunod na kanselasyon ng mga booking.
Umabot sa 375,993 ang mga turistang bumisita sa Boracay sa unang dalawang buwan ng taon, kumpara sa 344,026 naitala sa kaparehong panahon noong 2017, base sa datos ng Malay municipal tourism office.
Mula Marso 1 hanggang Marso 27, ngayong taon, umabot nman sa 140,643 ang mga turista. Inaasahan namang mahihigitan nito ang kabuuang 167,445 turista na naitala sa buong buwan ng Marso.
“It’s still business as usual but front liners, including tour coordinators and drivers of tourist vehicles, said they were observing a decline in tourists,” sabi ng source.
Idinagdag ng source na inaasahan mararamdaman ang magbaba ng pagdating ng mga turista simula sa susunod na buwan sa harap naman ng panukala ng inter-agency task force na isara ang Boracay ng anim na buwan.
Bilang ng mga turista sa Boracay hindi nabawasan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...