K-Pop star Seo Minwoo patay sa cardiac arrest


ISANG malungkot namang balita ang natanggap ng mga K-Pop Pinoy fans nitong nakaraang araw.

Pumanaw na ang kilalang lead singer ng K-Pop boy band na 100% na si Seo Minwoo. He was 33.

Sa official statement ng kanyang record label na TOP Media, Billboard, namatay ang singer dahil sa cardiac arrest.

Nabatid na natagpuan ang bangkay ni Minwoo sa loob ng kanilang bahay sa Gangnam district, Seoul nitong nagdaang Linggo.

“His family, the 100% members, and the TOP Media artists and staff members are all grief-stricken and in mourning from the unexpected, sad news,” ayon pa sa talent management ng Korean star.

Nagsimulang makilala ang boy band nina Seo noong 2012. Ilan sa mga sumikat nilang kanta ay ang “Bad Boy,” “Want U Back,” “Better Days,” at “Sketch U.” Bukod sa pagkanta, pinasok din ng Korean vocalist ang akting.

Read more...