3 pelikulang inalok kay Kris puro tungkol sa iniwan ng asawa; parang may nais ipahiwatig!


SA pagdating pa lang sana ni Kris Aquino mula sa Amerika opisyal na ia-announce na isa na siya sa mga talent ng Cornerstone na pag-aari ni Erickson Raymundo.

Pero nauna na ngang ibinandera ng Queen of Online World at Social Media ang good news.

“My KCAP managing director @nix722 will now be co-managing me w/ @visionerickson & @cornerstone. We, needed help as our workload began to grow at a hard to believe pace & because this year I’m committed to my @iflix.ph original production as well as 2 more movies we are all deciding on which to prioritize.

“I had a very good relationship w/ the Cornerstone artists while hosting Kris Tv, and @nix722 & I felt that as I return to acting, I will benefit most from the guidance and ALAGA of Erickson & Jeff. Here’s to a fruitful & exciting partnership!” ang pahayag ni Kris.

Kaya ang tanging nasabi na lang ng bagong manager ni Kris na si Erickson ay, “Welcome to @cornerstone family @krisaquino!”

Anyway, nasulat na namin dito sa BANDERA na nakipag-meeting ang managing director ng KCAP na si Nicko Falcis sa Star Cinema kasama si Erickson para sa gagawing pelikula ni Kris kasama ang isang sikat na loveteam.

Walang ibinigay na detalye sa amin si Erickson tungkol sa meeting nila sa Star Cinema dahil pagdating na lang daw ni Kris sila magpa-finalize.

Nasulat na rin namin na matagal nang inalok ni Kris si Erickson na hawakan ang digital accounts niya pero hindi natuloy noon. Say ni Erickson, “We tried working together in the past pero di natuloy. The right timing now.”

Anyway, finally ay natuloy na nga ang partnership ng KCA at Cornerstone pagkalipas ng dalawang taon.

Sabi sa amin ni Erickson, “Two years na ba ‘yun? Basta bago siya umalis sa ABS, we were supposed to manage ‘yung digital tapos di natuloy. ‘Yung sa movies sa akin and hosting, and other endorsements.”

Tanong namin uli, “What do you mean other endorsements? Out na si Nicko? Siya kasi ang alam naming nakikipag-nego.

“We can both entertain mga endorsements. We will also help with the closed deals na. Nicko is part pa din definitely,” sagot sa amin.

Dagdag pa ni Erickson, “Pagbalik pa n’ya tsaka ko makukuha all schedules and existing plan n’ya.” Meaning, co-managers ni Kris sina Erickson para sa non-digital at si Nicko sa digital.

Binati namin si Erickson dahil 13 years ago nang itinatag niya ang Cornerstone at si Sam Milby pa lang noon ang talent niya na ipinasok niya sa Pinoy Big Brother Season 1 (2005) hanggang sa nagkasunud-sunod na at dumami na nang husto ang alaga niya na umabot na ngayon sa mahigit 70. Sa pagkakaalam namin pang-76 na si Kris official talents ng Cornerstone.

q q q

Anyway, tinanong namin si Erickson kung anong sabi ng iba niyang alaga, “Hindi pa yata alam ng iba.”

Samantala, kahapon umalis ng Amerika si Kris pauwi ng bansa at ngayong gabi naman ang dating niya rito. Hanggang noong Lunes ay may pinagdaanan pang medical test si Kris para sa skin allergy niya.

At kaya uuwi na ang mama nina Joshua at Bimby ay dahil miss na miss na niya ang mga anak, “This blog post is straight from my heart (click on my BIO to read it). It was lonely without my sons – but I just need to make it to Monday for my last set of tests, and Tuesday I fly home.

“I cannot wait because it’s just been so empty without my 2 giants. I pretty much realized – I probably wasn’t meant to be someone’s life partner, but I was really born to be their mother.

“And zero angst about it. (Di rin ako offended that all 3 story treatments for movies being offered to me had me being left by my husband in 2 of them & being deceived by my husband in the 3rd- giggle na lang ako because all 3 films are of different genres BUT in all- iniwan or niloko ako parang ‘yung scriptwriters all were trying to tell me something).”

“I miss you all, I miss shooting webisodes w/ my KCAP family. I promise you so many fun webisodes- several of them will be shot abroad. And so many Mother’s Day #lovelovelove gifts for all my fellow moms!” mahabang mensahe ni Kris.

Read more...