Bagyong Caloy nasa PAR na, sa Biyernes lalabas

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Caloy na may international name na Jelawan.
    Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa Biyernes pa inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo.
      Bago magtanghali kahapon ang bagyo ay nasa layong 1,015 kilometro sa silangan ng Surigao City. Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras pa kanluran-hilagang kanluran.
      Mayroon itong hangin na umaabot sa 65 kilometro ang bilis at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
      Ngayong umaga (Miyerkules Santo) ang bagyo ay inaasahang nasa layong 935 kilometro sa silangan ng Borongan, Eastern Samar. Bukas (Huwebes Santo) ito ay nasa layong 1,410 kilometro sa Infanta, Quezon.
    Sa Biyernes ng umaga ang bagyo ay nasa layong 1,580 kilometro sa silangan ng Tuguegarao, Cagayan kung hindi magbabago ang bilis at direksyon nito.

Read more...