Number coding suspendido bukas

SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme bukas bilang bahagi ng paggunita ng Holy Week.

Sa isang post sa Twitter, sinabi ng MMDA na magsisimula ang suspensyon sa number coding scheme ganap na alas-10 ng umaga bukas.

Nauna nang inihayag ng MMDA ang suspensyon ng number coding sa lungsod at sa mga provincial buses ng Miyerkules Santo (Marso 28) at Lunes, Abril 2.

Read more...