12,000 pulis, sundalo ipapakalat sa Metro Manila ngayong Holy Week – Albayalde

MAHIGIT 12,000 pulis at sundalo ang ipapakalat sa buong Metro Manila para matiyak ang seguridad sa paggunita sa Mahal Na Araw, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde.

Sa isang briefing, sinabi ni Albayalde na 11,801 pulis mula sa NCRPO at karagdagang 413 mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipapakalat sa mga lansangan, bus terminal at mall na siyang magmamando sa mga police assistance desk.

Tiniyak ni Albayalde na wala namang namonitor na banta ng terorismo.
“So far wala naman. Yung mga kumakalat na information still unvalidated unconfined but pag may nakukuha tayong reports we still take it seriously, kino-confirm at bina-validate,” ayon pa kay Albayalde.

Samantala, nanawagan si Albayalde sa mga residente ng Metro Manila na uuwi ng mga probinsiya na tiyaking na ligtas ang kanilang mga bahay sa akyat-bahay.

Noong nakaraang taon, umabot ng 20 insidente ng akyat-bahay ang naiulat sa Metro Manila.

Read more...