Pinababa ang may 800 pasahero ng tren ng Metro Rail Transit line 3 matapos na magkaroon ng problema ang makina nito kaninang umaga.
Ayon sa advisory na ipinalabas ng Department of Transportation-MRT nasira ang tren alas-5:30 ng umaga.
Pinababa ang mga pasahero sa southbound train ng Araneta Center-Cubao station dahil sa electrical failure sa makina ng tren. Isa sa mga dahilan nito ay ang kalumaan ng mga piyesa.
Dumating naman ang kasunod na tren makalipas ang 10 taon kaya nagsiksikan ang mga pasahero.
Magsasagawa ng general system maintenance ang MRT simula ngayong araw (Miyerkules Santo) hanggang sa Linggo upang mapaghandaan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Lunes.
Target ng MRT na mapataas ang bilang ng mga bumibiyaheng tren nito sa 15. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 13 ang tren ng MRT na bumibiyahe subalit malayo pa ito sa kinakailangang 20 tren kapag peak hours.