BASE sa nakita naming itsura ngayon ni Ellen Adarna, when she celebrated her birthday recently, parang ilang linggo na lang ay manganganak na siya.
Sa suot niyang maluwag na blouse, hindi naman siguro super busog lang siya kaya namimintog ang mga braso at mukha niya, no! Pero sabi ng isang netizen, bakit daw kailangan pang itago ni Ellen ang tiyan niya sa pamamagitan ng maluluwag na damit, ikinahihiya ba niya ang kanyang pregnancy?
Obvious namang masaya at kuntento siya sa kalagayan niya ngayon. Mukhang alagang-alaga naman siya ni John Lloyd Cruz.
Ang wish lang namin sana’y hindi nila ipagdamot sa publiko ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.
MOST READ
LATEST STORIES