Kilalang male celeb sobrang kapal ng mukha, walang kuwentang ama


HINDI lang pinagpistahan, talagang pinagtripan sa isang umpukan kung gaano kuno kakapalmuks ang isang kilalang male personality na nang magsabog ng katamaran ang kapalaran ay sinambot niya ang lahat-lahat.

Magaling lang kunong kumuda ang lalaking personalidad, marami siyang salita, pero kapos na kapos naman siya sa gawa. In short, iresponsable na ay tamad pa ang male personality, hindi niya ‘yun maitatago dahil mismong mga nakarelasyon na niya ang nagsasabing tamad siya.

Kuwento ng isang source, “Ewan kung saan siya ipinaglihi. Napakatamad ng taong ‘yun! Gumagalaw lang siya sa pagkakaperahan, pero bilang tao, super-lazy siya!

“Tayo nga, kahit aso lang ang nawala sa atin, e, hindi natin alam ang ating gagawin, di ba? Iniikot na natin ang buong barangay, nagpapaskel tayo ng mga pictures ng alaga nating nawawala dahil masakit sa atin ‘yun!

“Pero ang lalaking ito, kahit anak na niya ang nawawala, kesehodang mismong dugo na niya, e, wala pa rin siyang pakialam! Sa totoo lang, ilang beses na bang nangyari ang ganu’n sa buhay niya?

“Isa, dalawa, tatlo! Pero wala siyang pakialam. Para lang siyang baby maker na pagkatapos ng work niya, e, wala na siyang pakialam!

“Saan ka naman nakakita ng katulad niya na tao na ang nawawala sa piling niya, pero deadma lang siya! Nakakaloka, wala man lang siyang ka-effort-effort na hanapin ang dugo ng kanyang dugo at laman ng kanyang laman!” inis na unang pahayag ng aming impormante.

Takot kasi siya sa responsibilidad kaya ganu’n siya ka-deadma. Ayaw niyang mabawasan ang laman ng kanyang bulsa. Pati ba naman sa mga sarili niyang dugo ay pinaiiral pa rin ng male personality na ito ang kakuriputan niya?

“At ang nakakaloka, e, ipinagmamalaki pa niya ang kawalan niya ng responsibilidad, ha? Buong-ningning pa niyang nasasabi na siya ang hinanap ng mga anak niya at hindi siya ang nag-bother man lang na maghanap!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, araw-gabing ganyan ang nakakalokang ugali ng lalaking ‘yan!” inis pa ring pagtatapos ng aming source.

Read more...