Lovi naloloka sa mga pasabog na dialogue sa TOTGA


CLUELESS si Lovi Poe kung ano ang ibig sabihin ng salitang borta. Dahil sa kanyang role sa Kapuso series na The One That Got Away, ay maraming natututunang mga bagong salita ang Prime Actress na karamihan ay mga salitang beki.

Ibinahagi kamakailan ni Lovi kung paano niya nalaman ang kahulugan ng salitang borta. Sa kanyang Instagram story, sinabi ng aktres na tinanong niya ang direktor ng kanilang serye na si Mark Sicat dela Cruz tungkol sa meaning ng nasabing salita.

Tawang-tawa siya nang malamang “maganda ang hubog ng katawan” ang meaning ng borta, huh! Aba, bortang-borta kaya ang mga boys ng TOTGA!

Naku, ES, knows mo na ba ang ibig sabihin ng borta? (Ha-hahahaha! Knows na knows ko na JN, ako pa ba? – Ed)

q q q

Bumuhos ang kilig sa Instagram post ng Kapuso hunk nasi Kiko Estrada habang kasama si Devon Seron.

Pictorial ‘yon para sa ginagawa nilang movie under Regal Entertainment, ang “Walwal.”
“Look what I’ve found,” caption ng Kapuso actor sa picture nila ni Devon.

Nagsama na last year sa pelikulang “Pwera Usog” sina Kiko at Devon.

Eh, official Kapuso artist na ngayon ang dalaga kaya puwedeng-pwede na silang maging magka-loveteam sa Kapuso shows. Ang tawag ngayon ng kanilang followers sa tandem nila ay DevKi!

Nasa cast ng The One That Got Away si Devon habang si Kiko ay isa sa mga bida sa My Guitar Princess na pagbibidahan ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.

Read more...