Robin inalayan ng ‘tribute’ ang ina sa loob ng Museo Padilla; Mariel pinagkasya ang budget


BINIGYAN ng tribute ni Robin Padilla ang inang si Mommy Eva Carino nu’ng Sabado na ginanap sa kanilang Museo Padilla.

Todo ang pasasalamat ni Robin sa asawang si Mariel Rodriguez-Padilla na punong-abala sa okasyon na kahit maliit lang daw ang budget na ibinigay niya ay nagawa pa rin nitong maging successful ang event.

“Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Maraming maraming salamat po nag iisang Panginoong Maylikha sa biyaya na ito Allah hu akbar. Masayang masaya po ang aking mahal na ina sa naganap na tribute para sa kanya Allah hu akbar.

“Ako po’y nagpapasalamat sa aking asawa @marieltpadilla sa pagkakakumpuni ng celebrasyon na ito na lumabas na napakamatagumpay kahit maliit ang budget na ibinigay ko sa kanya. Tunay na malaki ang naitutulong ng pamilya at mga kaibigan sa oras ng tawag ng pangangailangan. Saludo ako sa mga taong bumubuo ng mga grupo na ito,” ang caption ni Robin sa kanilang Instagram family photo.

Nagpasalamat din ang si Binoe sa mga kapatid at kamag-anak na nanggaling pa sa malalayong lugat para makiisa sa tribute at thanksgiving para sa pinakamamahal niyang ina na si Mommy Eva.

Read more...