Loisa wagi sa 2018 Nick Kids’ Choice Awards


WAGI si Loisa Andalio bilang Favorite Pinoy Newbie sa nakaraang 2018 Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

Tinalbugan ng Kapamilya actress ang iba pang local celebrities na nakalaban niya sa nasabing kategorya, kabilang na sina Joshua Garcia, Inigo Pascual at Kapuso actress Gabbi Garcia.

Sa kanyang Twitter account, nag-post ng isang video clip si Loisa tungkol sa ginawang announcement ng Nickelodeon Kids’ Choice Awards kasama ang mensaheng, “Thank you guys for voting for me, thank you for all the efforts and love and support.

“Mahal na mahal ko kayo, I love you all. This is all for you,” aniya pa. Mapapanood sa nasabing video ang “pagpapaligo” sa kanya ng green goo, na isa nang tradisyon sa Nickelodeon since 1988.

Tweet pa ni Loisa, “Maraming salamat sa lahat support & effort! Lord, maraming salamat sa lahat ng biyaya. First award na nakuha ko.

“Di ko ineexpect. Para to sainyo ipagpatuloy nyo pagiging strong & mabuti nyo, mahal na mahal ko kayo! Kung wala kayo, wala sakin to ngayon at wala ako dito.”

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga bumoto sa kanya sa pamamagitan ng Instagram, “Maraming salamat sa lahat ng bumoto sa akin sa mga sumusuporta, sa lahat ng nag effort at talagang ginalingan ang pagboto grabe maraming salamat!

“Shempre kay Lord God, maraming salamat sa lahat ng biyaya at sa talino at lakas na binibigay niyo po sa amin. Ito yung first award na nakuha ko… international pa…..naks! FAVORITE PINOY NEWBIE.

“Sa totoo lang di ko talaga ito ineexpect, worth it lahat ng puyat at pag boto niyo sa akin! Para ito sainyo, ipagpatuloy niyo lang pagiging strong at mabuti niyo, mahal na mahal ko kayong lahat! Kung wala kayo at sa sipag natin, wala sakin/saton to ngayon at wala ako dito. #KCA #FavPinoyNewbieLoisa.”

Kahapon, naging trendin topic din sa Twitter ang pagkakapanalo ni Loisa gamit ang hashtag na #LOISAGotSlimed.

Read more...