Hirap sa pagdumi, baka almoranas na ‘yan

MARAMI ang may problema sa pagdumi. Kadalasan ito yung hirap sa pagdumi at kung dumumi man ay may kasamang dugo. Isa lang ang ibig sabihin nito, posibleng ikaw ay merong almoranas o hemorrhoids.

Kung may pagdudugo, ito ay internal hemorrhoids, kaiba sa Thrombosed External Hemorrhoids na ang unang sintomas ay kirot at sakit sa pamamaga.

Ang Grade I Internal Hemorrhoids ay hindi pa nakakapa ang bukol sa labasan ng tumbong subalit maari na siyang magdugo. Ang pagdudugo ay dumadami at pumapatak kapag umiiri.

Ang Grade II ay lumalabas na pero kusang bumabalik sa loob, habang ang Grade III naman ay kailangang ibalik sa loob ng tumbong sa pamamagitan ng pag-tulak dito.

Ang Grade IV ay hindi na naibabalik at dahil dito mas malakas ang pagdurugo.

Nagagamot ang grade III at IV na uri ng hemorrhoids sa pamamagitan ng surgery at iba ay maaring gamutin lamang ng medisina gaya ng Daflon.

At para makabawas din sa karamdamang ito, kailangang iwasan na maupo nang matagal sa iyong “trono”. Maupo lamang at umiri kung sa kaalaman mo ay lalabas na ang dumi.

Iwasan din ang pagkain ng maaanghang na pagkain dahil makakadagdag ito sa hapdi. Uminom ng maraming tubig para maiwasan naman ang constipation na siyang nagpapalala sap ag-iri at pagdumi.

Kapag ang pagdudugo ay sobrang dami, isipin na baka hindi lang almoranas ito kundi maaring manggaling sa bituka. Dito kakailanganin ang Proctosigmoidoscopy at Colonoscopy para makita kung may nagdudugong bukol.

READ NEXT
Ano ka, hilo?
Read more...