Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong gabi o bukas ng umaga.
Kaninang tanghali ang bagyo ay nasa layong 1,210 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ngayong umaga ang bagyo ay inaasahang nasa layong 945 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Ang mga lugar sa silangang bahagi ng bansa ang inaasahang uulanin kaya pinag-iingat ang lahat sa posibleng landslide at flashflood.
Hindi naman inaasahan na magla-landfall ang bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES