Ilang human rights group nagagamit ng mga drug lord-Roque

SINABI ng Palasyo na nagagamit ang ilang mga human rights group ng mga drug lord sa harap ng umano’y patuloy na pag-atake sa gera ng gobyerno kontra droga.

Idinagdag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang humpay ang mga pagbatikos laban kay Pangulong Duterte sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.

“The attacks against the President’s war on drugs have been vicious and non-stop.

We therefore do not discount the possibility that some human rights groups have become unwitting tools of drug lords to hinder the strides made by the administration,” sabi ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na ginagamit umano ang pera mula sa droga para pondohan ang mga destabilisasyon laban sa gobyerno

The illegal drug trade is a multi-billion-peso industry and billions have been lost with the voluntary surrender of more than a million drug users, arrest of tens of thousands of drug personalities, and seizure of billion-peso clandestine drug laboratories and factories.

To continue to do and thrive in the drug business, these drug lords can easily use their drug money to fund destabilization efforts against the government,” ayon pa kay Roque.
Wala namang tinukoy si Roque na mga human rights group na nagagamit ng mga drug lord.
Read more...