Korona sa Binibining Pilipinas bili sa EBay?


Iniintriga ng mga netizen ang mga bagong korona na ipinutong sa mga nagwagi sa nakaraang 2018 Binibining Pilipinas beauty pageant.

Makalipas ang ilang taon, maraming nakapansin na bago na nga ang mga korona na ipinasuot sa mga Binibining Pilipinas winners, mula sa 2nd Runner up at 1st Runner Up hanggang sa Binibining Pilipinas Globe, Binibining Pilipinas Intercontinental, Binibining Pilipinas Supranational, Binibining Pilipinas Grand International, Binibining
Pilipinas International at Miss Universe Philippines.

Ikinatuwa naman ito ng mga mahihilig sa beauty pageants, buti naman daw at pinalitan na ang mga koronang ipinamimigay sa Binibini.

Pero ilang araw matapos ang grand coronation night, may lumabas sa pageant website na Pageanthology101 na mga photo kung saan makikita ang crown na ipinutong kay Miss Universe-Philippines Catriona Gray na kahawig sa koronang nabibili raw sa international e-commerce website na EBay.

Mabibili raw ito sa halagang, US$15.99 o humigit-kumulang P9,000. Komento ng ilang netizens, baka raw nagtipid nga ang Bb. Pilipinas Charities sa budget nila para sa korona.

Read more...