Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Pedro Gil, Santa Ana.
Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 44-24-37-27-48-09.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
Samantala, nanalo naman ng tig-P70,000 ang 20 mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,160 naman ang 1,057 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 21,049 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
MOST READ
LATEST STORIES