Sexy female personality malapit nang makatakas sa asawang male celeb

 

MATAGAL nang pinagpipistahan sa mga umpukan ang mga hirit ng isang seksing female personality na matagal nang hiwalay sa kanyang mister. May pagka-OA ang kanyang dating sa marami dahil sa kanyang mga atakeng siya lang ang nakakaintindi.

Kahit hindi naman siya tinatanong ay siya pa ang nagbubukas ng topic, malapit na raw siyang maging dalaga uli, ilang buwan na lang daw at makatatakas na siya sa isang maling desisyon na ginawa niya sa kanyang buhay.

Kuwento ng isang source, “Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Wala namang nagtatanong sa kanya, pero siya pa ang panay-panay ang pagsasabi na malapit na raw siyang maging dalaga uli!

“Wala namang interesado sa personal life niya, pero kuda siya nang kuda, konting panahon na lang daw at magiging single na siya ui! Sino ba naman kasi ang interesado sa lovelife niya?” inis na unang sultada ng aming impormante.

Isang male personality na mula sa pamilya ng mga taga-showbiz ang napangasawa ng seksing babaeng personalidad. Pero hindi nagtagpo ang kanilang mga ugali. May pagkakonserbatibo ang aktor habang para namang palaging nakakawala sa kural ang babae kung umasta.

“Palibhasa, laki sa ibang bansa ang girl, kaya siya ganu’n. Woman of the world siya, parang laging sinusundot ang puwit, napaka-liberated niya!

“E, ang lalaki, palibhasa nga, e, kilalang-kilala ang family nila sa industry, kaya medyo conservative siya. Ayun, hindi nagkakasundo ang mga pananaw nila sa buhay!

“Matigas ang ulo ng girl, hindi mapigil ng guy ang mga gusto niyang gawin, kaya matagal na silang hiwalay. Ipinagmamalaki palagi ng babae na malapit na raw mapawalang-bisa ang kasal nila, konting-konting time na lang daw ang ipaghihintay niya at single na uli siya!

“E, di go! Kung talagang malapit nang lumabas ang annulment nila, di magpakasaya na lang siya! Pero sana naman, e, hindi na niya ipinagmamakaingay pa ‘yun!

“Instead na ipagkalat pa niya ang sitwasyon nila ng ex niya, e, mag-zumba na lang siya nang mag-zumba, tutal naman, e, sexy siya. Tantanan na niya ang kadaldalan, magsayaw na lang siya nang magsayaw!” napapailing na
pagtatapos ng aming source.

Makiki-zumba ba kayo sa babaeng ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, type n’yo? Pagpag na!

Read more...