MRT3 nasiraan ng 2 beses

MRT

Dalawang beses nasiraan ang tren ng Metro Rail Transit Line 3 ngayong Lunes Santo.

Ayon sa Department of Transportation nasira ang tren ng MRT alas-8:29 ng umaga at pinababa ang mga pasahero sa Araneta-Cubao station southbound.

Nagkaroon umano ng signaling error kaya kinailangang pababain ang 580 pasahero.

Dumating ang kasunod na tren makalipas ang apat na minuto.

Alas-9:49 ng umaga ng masira ang isa pang tren sa Shaw Boulevard station southbound.

Nagkaroon ng electrical failure ang motor ng tren kaya pinababa ang may 870 pasahero na nakasakay sa sumunod na tren na dumating makalipas ang apat na minuto.

Ngayong Semana Santa ay kukumpunihin ang mga tren ng MRT upang maihanda ito sa muling pagbiyahe sa Lunes.

 

 

Read more...