Horoscope, March 26, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal ang pagyaman ang nagpapasaya at magagawa mo yan, dahil ang mga isinilang sa petsang 26 ay talaga namang yumayamn. Sa pag-ibig, kung kapwa kayo happy ng kasuyo, mas maraming pera ang darating. Mapalad ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Yellow at green ang buenas.

 

Aries – (Marso 21-April 19) –  Itaas pa ng itaas ang pangarap, dahil sa summer na ito ang lahat ng iyan ay isa-isa ng matutupad. Sa pag-ibig at pinansyal, dahil init o fire ang iyong elemento, sa panahong ito ng tag-init may pangako ng mas maunlad at mas masagang karanasan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Orange at blue ang buenas.

 

Taurus – (April 20-May 20) – Wag ma-sad kahit unti-unti ng nauubos ang pera. Sa darating na buwan ng Abril muling aangat ang kabuhayan. Maraming biglaang pera ang darating. Sa pag-ibig, may mabubuong relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 3, 9, 17, 26, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.

 

Gemini – (May 21-June 21) – Kahit na pumalpak ang diskarte noong nakaraan mga araw, hindi masama kung magsisimula ka uli ngayon. Sa pananalapi magdagdag ng investment upang madagdagan ang kita. Sa pag-ibig, wag ng ulitin ang nakaraang pagkakamali. Mapalad ang 1, 7, 19, 25, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Mayabeeja”. Green at orange ang buenas.

 

Cancer – (June 22- July 22) –  Lakas ng loob ang kailangan upang yumaman. Sa pag-ibig, wag mahirati sa pag-iisa, kung magkakaroon ka ng kaparehang isinilang sa petsang 5, 14, at 23, mas mabili kang yayaman at liligaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 44, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Devadhi.” White at purple ang buenas.

 

Leo – (July 23 – August 22) – Sa panahong ito ng tag-araw, samantalahin ang magagandang pagkakataong dumarating. Magagawa mo na ngayong doblehin ang iyong income. Sa pag-ibig, may umaalis upang pagkatapos may dumating na mas masaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: Egosum-Obre-Egosum-Ente” Maroon at lilac ang buenas.

 

Virgo – (August 23 – September 22) – Sa pag-ibig sa pakikipaglandian may matamis at pang habang buhay na relasyon mabubuo.  Sa panansiyal, habang umiinit ang panahon ito ng tag-araw,  patuloy namang uunlad at sasagana ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Silver at purple ang buenas.

 

Libra – (September 23-October 23) –  Ingatan ang natitirang salapi! Wag kang gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Sa pag-ibig, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot upang mapaglaanan  ang kinabukasan ng pamilya. Mapalad ang 5, 10, 31, 34, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sacheda-Ramada-Om.” Metallic blue at violet ang buenas.

 

Scorpio – (October 24 – November 21) – Hindi pa tapos ang iyong suwerte. May darating pang mas malaki sa buwang ito ng Abril hanggang Mayo, basta’t relaks ka lang. Sa pag-ibig, muling mag-aalab ang relasyon habang umiinit ang panahon. Mapalad ang 3, 15, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Savitre-Om.” Red at green ang buenas.

 

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Tanggapin ang inaaalok na paglalakbay ng isang kaibigan. Sa malayong lugar, matatagpuan ang kapayapaan ng isipan at  magandang kapalaran. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Padha-Bhuti-Om.” White at beige ang buenas.

 

Capricorn – (December 22 – January 19) – Wag sumawsaw sa suliranin ng iba! Sa pinansiyal, upang umunlad, umiwas sa pakikipag-tsismisan. Sa pag-ibig, ituloy mo lang ang masayang relasyon ninyo ng kasuyong Virgo kahit na maraming lihim na naiingit. Mapalad ang 4, 14, 27, 33, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at violet ang buenas.

 

Aquarius – (January 20 – February 18) – Walang ano-ano biglang mapapasa iyo ang magagandang kapalaran.  Ang dapat lang gawin sa ngayon ay matutong magpasalamat. Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kulay green na kandila at ipagpasalamat ang lahat ng mga biyayang natanggap. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Krisna-Om.” Bukod sa green buenas ang yellow.

 

Pisces – (February 19 – March 20) –  Sa panahong ito ng Holy Week iwasang mag-isip ng hindi maganda! Sa negosyo, sa pagiging negatibo maraming mawawalang oportyunidad! Sa pag-ibig, dininig ng langit ang iyong paghihintay, may masaya at masarap na relasyong mabubuo. Mapalad ang 8, 19, 29, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ara-Han-Tha-Anam-Om”. Gold at green ang buenas.

Read more...