ABANGAN ang Lenten Special ng Eat Bulaga sa istorya ng “Taray Ni Tatay” starring Vic Sotto and Maine Mendoza with Allan K, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Rita Avila, at ang espesyal na pagganap ni Kendoll (Tenten).
Ito ay kwento ng isang single father at ang mga lihim na kanyang itinago sa kanyang anak.
Ayon kay Maine, hindi madali ang pagbabalik niya sa acting lalo na’t “nangalawang” na raw siya.
Nagpasalamat siya kay Bossing sa pagtulong at paggabay nito sa mga eksena nila, “Sobrang frustrated ako nu’ng gabi kasi may scenes na hindi ko magawa on my own kahit sobra akong mag-focus, parang kulang talaga sa motivation.
With the help of my acting coach at ni Bossing, natulungan naman nila ako to deliver.”
Kuwento pa ni Maine tungkol sa ginawa nilang episode, “Sa panahon na nakakalimutan natin ang pagmamahal at tiwala ng mga taong nakapaligid sa atin, naaayon na tayo ay magnilay-nilay sa buhay at magpasalamat sa
biyaya na pagkakaibigan at pamilya.