Now she knows: Bb. Pilipinas bet Sandra Lemonon inaral ang Build, build, build

Nagkaroon na ng knowledge ang Binibining Pilipinas 2018 candidate na si Sandra Lemonon tungkol sa programa ng gobyerno na “Build Build Build.”Naging viral ang sagot ni Sandra nang tanungin siya ng isang judge tungkol sa project na ito. Umamin siyang wala siyang alam tungkol dito at maraming humanga sa pagiging honest niya pero hindi pa rin siya nakaligtas sa panlalait.
Upang magkaroon ng kaalaman tungkol dito, nakipagkita si Sandra sa Chairperson ng programa na si Anna Mae Yu Lamentillo  ng Department of Public Works and Highways last Friday.
Binigyan ang beauty queen ng impormasyon tungkol sa infrastructure projects ng administrasyon.

Makikita sa photos ni Sandra sa social media na may binabasa tungkol sa Building for the Future.
Nakipagkita rin ang dalaga kay Transportation Sec. Arthur Tugade, sa mga photos na ipinost sa social media ay nakita namin ang ilang photo nila together habang nag-uusap.

Read more...