K-Pop member tinupad birthday wish ng anak nina Cheska, at Doug

NATUPAD din sa wakas ang birthday wish ng cute na cute na si Scarlet, ang anak ng celebrity couple na sina Doug at Cheska Kramer.
Binati kasi siya ng K-Pop group member na si Bobby ng IKON, ng “happy birthday.”
Sa video ni Cheska, nag-request siya kay Bobby kung puwede siyang pumunta sa kanyang kaarawan.
Ipinost ng ina ang video ng anak sa kanyang Instagram at nanawagan na tulungan siyang matupad ang hiling ng anak.
In fairness, nag-reply si Bobby sa kanyang Instagram at ang pagbati niya sa bata ay inilabas nina Doug at Cheska sa kani-kanilang IG accounts.
Nakibati rin ang fellow IKON member ni Bobby na si Donghyuk.
Nagpasalamat ang buong pamilya sa pagtugon ni Bobby sa wish ng anak, say nga ni Scarlet, “My eyes are so happy.”

Read more...